Kung gusto mong subukan ang hiking pero ayaw mo munang sumabak sa matataas at mahahabang bundok, magandang panimula ang Panganiran Hill sa Pio Duran, Albay.
Sa taas na humigit-kumulang 330 meters above sea level (MASL) at 10-minute hike lang mula sa jump-off, isa ito sa mga pinakamadaling hiking destinations sa Albay. Pero huwag kang pakampante—kahit maikli ang akyatan, may konting challenge pa rin dahil sa maputik na trail at matataas na talahib.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit memorable ang hike na ito ay dahil sa napakagandang tanawin sa summit. Habang nasa tuktok ka, sasalubong sa’yo ang malawak na view ng Mayon Volcano, mga bulubundukin ng Albay, Albay Gulf, at mga karatig na isla. Tahimik, presko ang hangin, at talagang mapapa-stop ka para i-enjoy ang paligid.
Paano Namin Inakyat ang Panganiran Hill
Sa halip na mag-DIY, nag-join kami sa Mountain Joiners, isang grupo ng mga experienced local tour guides na regular na nag-oorganisa ng hiking at camping trips sa iba’t ibang bahagi ng Bicol.
Note: We’re in any way not affiliated with Mountain Joiners, we just like how they organize hikes.
Isa ito sa mga pinaka-convenient na paraan para ma-experience ang Panganiran Hill, lalo na kung first time mong pumunta sa lugar.
Sila na ang bahala sa halos lahat—permits, pagkain, itinerary, campsite setup, at guiding sa buong hike. Ang ginawa na lang namin ay magpunta sa meet-up location at sumunod sa itinerary.
Para sa mga gustong mag-hike nang walang iniisip na logistics, malaking tulong ang pagsama sa organized group.

Ang Trek Papunta sa Summit ng Panganiran Hill
Mula sa meet-up point, nagsimula ang adventure sa isang mahigit isang oras na lakaran papunta sa jump-off point. Depende rin ito sa pacing ng grupo, kaya puwedeng mas mabilis o mas matagal nang kaunti.
Pagdating sa jump-off, hindi pa agad nagsisimula ang akyatan. Mayroon pang 20 hanggang 30 minutong lakad sa mga bukirin at open trails bago marating ang paanan ng burol.
Pagdating sa mismong jump-off ng Panganiran Hill, doon magsisimula ang pinakamaikling bahagi ng trek—ang 10-minute hike papunta sa summit.
Bagama’t maikli ang akyatan, medyo challenging pa rin ang trail lalo na kapag bagong ulan. May mga bahagi na maputik at may makakapal na talahib, kaya mas magandang magsuot ng hiking shoes o sapatos na may magandang grip.
Pero sulit ang bawat hakbang.
Ano ang Makikita sa Summit?
Tahimik na spot na may breathtaking view ng Mayon at mga bulubundukin, ang Panganiran Hill ay isa sa mga underrated na paraiso ng timog Albay.
Habang nasa tuktok ka, makikita mo ang panoramic view ng Albay Gulf, mga karatig na isla, rolling hills, at ang iconic na hugis ng Mayon Volcano kapag maganda ang panahon.
Kapag mahangin, para kang nasa Batanes dahil sa malalawak na damuhan at open landscape. Wala ring matataas na buildings o commercial establishments na sisira sa view—nature lang ang kaharap mo.
Napaka-ganda rin dito ng sunrise, kaya naman dapat mong agahan ang gising para sa majestic experience.
Isa ito sa mga lugar na hindi mo kailangang madaliin. Mauupo ka na lang sa damuhan, hahayaan ang malamig na hangin, at magpapahinga habang pinapanood ang tanawin.
Paano Pumunta sa Panganiran Hill?
- By Commute:
Mula sa Legazpi City, sakay ng bus o van papuntang Pio Duran (fare approx. ₱100–₱120). Pagdating sa town proper, pwede kang magtricycle o habal-habal papuntang Barangay Panganiran. Sabihin lang sa driver na pupunta ka sa Panganiran Hill. Travel Tip: Mas better na mag-habal-habal kaysa tricycle dahil hindi pa ganoon kaayos ang daan papasok sa Panganiran. - By Private Car:
From Legazpi City, take the route via Ligao City going to Pio Duran. Travel time is around 1.5 to 2 hours. Pagdating sa barangay, may maliit na daan papuntang hill entrance; pwede mong ipark ang sasakyan sa meet up place, usually sa bahay ng tour guide o kaya naman sa covered court ng Barangay La Medalla,
Tip: Entrance to Panganiran Hill is included in local tour packages, so be sure to coordinate with the Pio Duran Tourism Office before your visit.
- Note: Magbaon ng tubig, payong, at iwasan ang pag-akyat kapag umuulan dahil madulas ang trail.

Where to Eat Near Panganiran Hill
Bago o pagkatapos ng hike, siyempre mas masarap ang adventure kapag may laman ang tiyan. Wala pang masyadong kainan malapit mismo sa Panganiran Hill, kaya ang pinakamagandang option ay kumain sa Pio Duran town proper bago pumunta o pagbalik mula sa hike.
Narito ang ilang mga kainan na puwede mong subukan:
1. LCC Supermarket Pio Duran
Kung gusto mo ng maraming pagpipilian, dumaan muna sa LCC Supermarket sa sentro ng Pio Duran. May mga food stalls dito na nagbebenta ng burgers, empanada, rice meals, at iba pang quick meals. Magandang stop ito kung gusto mong mag-breakfast bago ang hike o mag-lunch pagkatapos.
2. Crispy King Chicken
Kung budget-friendly at pantawid-gutom ang hanap mo, may Crispy King Chicken din sa town proper. Perfect ito lalo na kung kagagaling mo lang sa hike at gusto mo ng mabilis pero busog na meal bago bumiyahe pauwi.
3. Pares, Sisig at Lugaw
Sa unahan naman ng LCC Supermarket, sa Rizal Street, makakakita ka ng ilang local eateries na swak sa budget.
Nandito ang mga kainan tulad ng Zizzlingan Sisig at iba pang karinderya na naghahain ng sizzling meals at lutong bahay. Katabi rin nito ang Miekoy’s Pizza House kung gusto mo ng pizza o snacks.
Kung gusto mo naman ng mainit na sabaw pagkatapos ng pagod na hike, may Pelecia Lomi, Pares at Lugaw sa unahan. Isa ito sa mga masarap na puntahan para mag-recharge bago bumiyahe pauwi.
May mga simple yet cozy stays sa paligid ng Pio Duran para sa overnight travelers:
Tara Na!
Hindi lahat ng magandang hike ay kailangang mahaba o sobrang hirap akyatin. Minsan, sapat na ang isang maikling trek para maranasan ang tahimik na bundok, sariwang hangin, at mga tanawing hindi mo makikita sa lungsod.
Kung naghahanap ka ng beginner-friendly hike sa Albay na may rewarding views at magandang camping experience, siguradong sulit ang pagbisita sa Panganiran Hill.
Recommended Hiking Gear for Panganiran Hill
Kahit beginner-friendly ang Panganiran Hill, mas magiging komportable at enjoyable ang hike kung handa ang mga gamit mo. Kung overnight camping ang balak mo, mas sulit ang experience kapag may tamang hiking at camping gear.
Narito ang ilan sa mga gear na maire-recommend namin para sa iyong adventure.
Camel Camping Tent
Lightweight, madaling i-setup, at perfect para sa overnight camping sa bundok.
View Product
Camping Sleeping Bag
Stay warm and comfortable habang nagpapahinga sa campsite.
View Product
Camel Hiking Shoes
Non-slip hiking shoes na may magandang grip para sa maputik na trail.
View Product
Naturehike Waterproof Hiking Bag
Waterproof backpack na kayang protektahan ang iyong gamit kahit umulan.
View Product
Camping Light & Fan
Isang malaking tulong sa overnight camping para sa ilaw at preskong hangin.
View ProductFAQs about Panganiran Hill
Mipajo View Deck & Campground: Coffee with a View
Kung naghahanap ka ng magandang place para mag kape with a view sa Legazpi? Isa…
Explore the Top Masbate Attractions with Us!
Welcome to Masbate Province, where hidden paradises and stunning Masbate tourist spots await! If you’re…
Legazpi to Catanduanes DIY Guide: RORO Trips, Fares, and Travel Tips
Isa ang Catanduanes sa mga binabalik balikan ng mga turista dahil sa mga nakatagong ganda…
Paskuhan sa Albay 2025: Guide to Christmas Events and Activities in Albay
Christmas hits different in Albay. As soon as December arrives, the whole province lights up…
RutaNatin.ph: The Community-Powered App That Can Change How Bicolanos Travel
If you’ve ever commuted in Bicol, you know the struggle: asking multiple drivers for directions,…
Best Beaches in Albay — Hidden Gems and Coastal Escapes You Should Visit
Kung akala mo Albay ay puro Mayon Volcano lang, think again. Dahil bukod sa iconic…

