Kung naghahanap ka ng magandang place para mag kape with a view sa Legazpi? Isa sa mga lugar na puwedeng idagdag sa listahan mo ay ang Mipajo View Deck & Campground sa Banquerohan, Legazpi City.
Hindi ito iyong typical na tourist spot na punong-puno ng tao at activities. Dito, mas chill ang vibe—tipong pupunta ka para mag-unwind, magkape, mag-picnic, o simpleng tumulala habang pinapanood ang view.
At bonus? Kita ang Mayon Volcano dito kapag maaliwalas ang panahon.
Bakit Sulit Puntahan ang Mipajo View Deck?
Ang maganda sa Mipajo, simple lang ang setup pero relaxing. May open spaces, kubo rentals, camping area, at may mga activities na puwedeng gawin kasama ang pamilya, barkada, o kahit solo trip.
Perfect din ito kung gusto mong umiwas muna sa ingay ng city nang hindi kinakailangang bumiyahe nang sobrang layo.
Mga Puwedeng Gawin sa Mipajo

1. Mag-Camping
Ito talaga isa sa mga pinaka-enjoy dito. Magdala ng tent at mag-overnight habang nagpapahinga sa malamig na hangin ng Banquerohan.
Kung gusto mo ng mas comfortable setup, may mga kubo rin na available.
2. Mag-Boating
Mas relaxing ang experience kapag nag-boat ride habang ine-enjoy ang paligid.
3. Mag-Fishing
Kung mahilig ka sa tahimik na activity, puwede rin mag-fishing dito.
4. Mag-Picnic
Hindi kailangang overnight lagi. Marami ring pumupunta para lang magdala ng pagkain, tumambay, at mag-picture.
5. Mag-Coffee Date sa Brew Deck
Isa sa mga paboritong tambayan dito ang Brew Deck.
May available silang:
- Coffee drinks
- Non-coffee drinks
- Food
- Light snacks
May mga ibang vendors din sa paligid kaya puwede ka ring bumili ng street food habang nag-eenjoy sa view.

Entrance Fee at Rates
Entrance Fee: ₱25 per person
Overnight Fee
- Adult – ₱120
- Kids – ₱100
Kubo Rates
- 2 pax (common CR) – ₱700–₱800
- 2 pax (own CR) – ₱800–₱1,200
- 4 pax (own CR) – ₱1,200
Rates may change without prior notice kaya mas okay pa rin mag-confirm bago pumunta.

Paano Pumunta sa Mipajo View Deck?
Kung manggagaling ka sa SM Legazpi o Terminal:
- Sumakay ng jeep papuntang Banquerohan
(May mga jeep sa gilid ng SM malapit sa Starbucks.)- Pamasahe sa jeep: around ₱35
- Travel time: around 30–40 minutes
- Magpababa sa Banquerohan Elementary School o sa may church
- Pagbaba, may mga nakaparadang tricycle.
- Sumakay ng tricycle papuntang Mipajo View Deck & Campground
- Tricycle fare: around ₱70–₱100
- Travel time: 4–5 minutes
Camping Essentials to Bring to Mipajo View Deck
Planning to camp at Mipajo View Deck? Make your overnight stay more comfortable by bringing the right camping gear. From your tent and sleeping bag to cooking essentials and a portable fan, these are some useful items to pack for a relaxing camping trip.

Camping Tent
A tent is one of the most important things to pack for an overnight stay. Choose a tent with enough space for you and your camping companions.

Sleeping Bag
Keep yourself warm and comfortable while sleeping outdoors with a lightweight sleeping bag that’s easy to pack and carry.

USB Rechargeable Camping Fan
Stay cool inside your tent with a portable rechargeable fan. It’s especially useful during warm nights and can be easily moved around your campsite.

Camping Chair
A foldable camping chair gives you a comfortable place to sit while enjoying the view, having coffee or relaxing around the campsite.

Camping Cooking Set
Bring a compact cooking set for preparing simple meals, coffee or hot drinks during your camping trip. It’s a practical addition to your outdoor cooking kit.

Inflatable Camping Pillow
Save space in your camping bag with an inflatable pillow that’s easy to pack and comfortable to use when it’s time to rest.
Disclosure: Some links on this page are affiliate links. We may earn a small commission if you purchase through our links, at no additional cost to you.
Travel Tips Bago Pumunta
- Mas okay pumunta nang early morning o late afternoon para mas presko.
- Magdala ng extra cash dahil may vendors pero hindi laging guaranteed ang cashless payment.
- Kung overnight camping, magdala ng jacket—medyo presko ang hangin.
- Check weather bago bumiyahe para mas mataas chance na makita ang Mayon.
Final Thoughts
Kung gusto mo ng destination na hindi sobrang complicated puntahan pero may magandang view, relaxing atmosphere, at puwedeng pang whole-day tambay o overnight, magandang option ang Mipajo View Deck & Campground.
Hindi ito iyong lugar na kailangan mong madaliin. Mas bagay dito iyong dahan-dahang inom ng kape, kuwentuhan, at pag-enjoy sa tanawin.
At siyempre, kapag nagpakita si Mayon—bonus na lang talaga.
FAQs about Mipajo View Deck and Campground
You Might Also Like
Mipajo View Deck & Campground: Coffee with a View
Kung naghahanap ka ng magandang place para mag kape with a view sa Legazpi? Isa…
Best Beaches in Albay — Hidden Gems and Coastal Escapes You Should Visit
Kung akala mo Albay ay puro Mayon Volcano lang, think again. Dahil bukod sa iconic…
Quituinan Ranch in Camalig Albay: A Nature Escape for Campers and Families
Pahinga, sariwang hangin, at bonding spot na malapit lang sa Mayon, Quituinan Ranch sa Brgy….
National Museum Bicol: A Journey Through Albay’s Rich Past
History, culture, at old-world charm, may hidden gem sa Albay na siguradong magugustuhan mo —…
La Fontana Beach Resort: A Hidden Summer Escape in Ligao City, Albay
Tahimik pero sulit na beach getaway malapit lang sa city, La Fontana Beach Resort sa…
Punta Almara Beach Resort: Lively Seaside Escapade in Ligao, Albay
Beach getaway na may fun energy, good music, at that classic Albay seaside vibe —…

