Marhay na aldaw, mga Magayon!
Ang Mayon Volcano ang isa sa ipinagmamalaki ng Bicol dahil sa iconic at perfect-cone nitong hugis. Hindi kompleto ang Bicol tour niyo ng barkada at pamilya kung wala kang picture with Mayon.
Kaya naman, heto ang guide para sa mga top tourist spots in Bicol kung saan kitang-kita mo ang kanyang full glory! Tara, explore natin ang Top 10 Mayon Volcano viewing spots na sulit bisitahin!
1. Cagsawa Ruins

Siyempre, una sa listahan ang pinaka-iconic: Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay. Dito mo makikita ang old belfry ng Cagsawa Church na nawasak noong 1814 eruption, with Mayon standing proud sa background. Perfect ‘to for historical feels and classic Mayon shots!
Things to Do:
- Picture-taking with the ruins and Mayon
- Souvenir shopping
- Local food trip sa paligid
- ATV Rides
Entrance Fee: ₱20
2. Quitinday Hills

Kung gusto mo ng Batanes vibes sa Bicol, tara sa Quitinday Hills sa Camalig! Series of lush green hills with a stunning 360° view of Mayon Volcano. Worth it ang short hike dahil panalo ang view!
Things to Do:
- Hiking and scenic overlook
- Photo ops with the hills and Mayon backdrop
- Picnic with a view
Entrance Fee: Around ₱20-30
3. Quituinan Ranch
Sa barangay Tumpa, Camalig, matatagpuan ang Quituinan Ranch, isang chill open space na may horseback riding at clear view ng Mayon. Sikat ito sa mga weekend campers at nature lovers.
Things to Do:
- Horseback riding
- Outdoor picnic and camping
- View Mayon from a peaceful distance
Entrance Fee: ₱50 (subject to change)
4. Hobbit Hill

Sa Ligao City naman, merong unique na spot na tinatawag na Hobbit Hill—inspired by the Shire sa Lord of the Rings! Bukod sa whimsical vibes, ang view ng Mayon dito ay super clear.
Things to Do:
- Explore the hobbit-themed hill
- Picture-perfect spots
- Chill and relax habang tanaw si Mayon
Entrance Fee: ₱50
5. Sumlang Lake

Pang lima sa top spot with Mayon Volcano view ay ang Sumlang Lake in Camalig! Imagine relaxing on a bamboo raft habang nasa harap mo ang reflection ni Mayon sa tubig—Instagram goals talaga!
Things to Do:
- Rafting and kayaking
- Foodtrip by the lake
- Sunset viewing with Mayon
Entrance Fee: ₱20, raft ride ₱100+ (group rate)
6. Mayon Skyline View Deck

Located in Tabaco City, ang Mayon Skyline View Deck ay isa sa pinakamalapit na legal viewing areas sa bunganga ng Mayon. Malamig sa taas at perfect ang angle for breathtaking panoramic photos.
Things to Do:
- Scenic views and photo ops
- Enjoy the cool breeze
- Chill picnic with mountain air
- Foodtrip
Entrance Fee: Free
7. Ilah Nature Park

Matatagpuan sa Sitio Sabloyon, Brgy. Amtic, Ligao City, ang Ilah Nature Park ay isa sa mga newest hidden gems pagdating sa Mayon views. 15-minute trek paakyat pero sulit sa ganda ng tanawin—kitang-kita mo dito ang perfect cone ng Mayon Volcano na nakaharap sa Mt. Masaraga.
Things to Do:
- Day or overnight camping
- Picture-taking and chill picnic
- Best spot for sunrise or sunset photos
Entrance Fee: ₱40 (day tour), ₱75 (overnight), Tent rental ₱450, Kubo ₱600
8. Penaranda Park
Sa puso ng Legazpi City, makikita mo ang Peñaranda Park na may wide open view ng Mayon Volcano, lalo na sa umaga. Accessible ito for everyone at walking distance sa iba pang landmarks.
Things to Do:
- Chill at the park
- Take cityscape photos with Mayon in the background
- Street food trip nearby
Entrance Fee: Free
9. Legazpi Boulevard
Sa baybayin ng Legazpi City, perfect mag-jogging o chill walk sa Legazpi Boulevard habang tanaw mo si Mayon sa background. Romantic at relaxing vibes ‘to lalo na tuwing sunrise or sunset.
Things to Do:
- Morning jog or bike
- Sunset walk
- Take silhouette photos with Mayon
Entrance Fee: Free
10. Daraga Church Viewpoint
Ang Daraga Church or Our Lady of the Gate Parish ay isang historical church na nasa taas ng burol. From here, may clear and dramatic view ka ng Mayon—lalo na kapag golden hour.
Things to Do:
- Visit the baroque-style church
- Snap artsy shots with Mayon
- Learn about its history
Entrance Fee: Free
Tara Na!
Kung mahilig ka sa nature, history, or just chill views, siguradong may perfect Mayon viewing spot para sa’yo! Kaya kung plano mong pumunta sa Albay, i-include mo na agad ang mga lugar na ‘to. Panalo sa view, sulit sa experience!
Tara na, biyahe na sa Albay at masdan ang ganda ni Mayon Volcano mula sa mga best viewing spots!
Best Mayon Volcano Viewing Spots in Bicol You Shouldn’t Miss
Marhay na aldaw, mga Magayon! Ang Mayon Volcano ang isa sa ipinagmamalaki ng Bicol dahil…
Ilah Nature Park: Chill Escape with a View of Mayon in Ligao
Marhay na aldaw mga biyahero! Kung hanap niyo ay isang tahimik pero sulit na nature…
The Campsite in Ligao: Chill Overnight Camping in Albay
Marhay na aldaw, mga biyahero! Kung hanap niyo ay tahimik na lugar para mag-relax, mag-unwind,…
Kawa Kawa Hill Nature Park: A Tourist Spot in Ligao, Albay
Photo credits to Jubert Cate Kung naghahanap kayo ng magandang lugar na mapupuntahan sa Bicol,…
Top Must-Visit Tourist Spots in Albay
Nagbabalak ka rin bang pumunta sa Bicol at mag-explore? Madaming tourist spots sa Albay na…