Photo credits to Jubert Cate
Kung naghahanap kayo ng magandang lugar na mapupuntahan sa Bicol, hindi niyo dapat palampasin ang Kawa Kawa Hill Nature Park sa Ligao, Albay.
Perfect ‘to para sa mga gustong mag-relax, mag-reflect, at makisaya sa nature. Ang ganda ng park na ‘to, promise!
Ano nga ba ang Kawa Kawa Hill?
Ang Kawa-Kawa Hill ay kilala sa kakaibang hugis ng burol nito. Tinatawag itong “Hill Without a Hilltop” dahil imbes na may tuktok, para itong isang higanteng kawa o cauldron—kaya naman tinawag itong Kawa-Kawa.
Hindi lang ‘yan, may nakamamanghang tanawin ka pa ng Mayon Volcano at ng mga kalapit na lugar. Kung gusto mo ng picture-perfect moments, dito na ‘yan!
Stations of the Cross
Isa sa mga paborito ng mga bumibisita dito ay ang Stations of the Cross. Ito ay mga malalaking rebulto na nagpapakita ng kwento ng pagkapako ni Jesus sa krus.
Nasa 14 ang stations na nakakalat sa burol, kaya habang naglalakad ka, parang kasama mo na rin si Jesus sa kanyang sakripisyo. Perfect ‘to para sa mga gusto ng tahimik na oras para mag-isip at mag-reflect—lalo na tuwing Mahal na Araw o Visita Iglesia. May simbahan din sa paanan ng burol, kaya swak na swak ito bilang spiritual destination.

Flora at Fauna: Nature Lover’s Paradise
Kung nature lover ka, siguradong mae-enjoy mo ang isa sa mga tourist spot in Ligao. Maraming iba’t ibang halaman at hayop dito—parang mini nature park! Kung mahilig ka sa birdwatching, dalhin mo na ang binoculars mo dahil madaming ibon ang makikita.
At isa sa mga highlight dito ay ang sunflower farm—sobrang ganda at Instagram-worthy, lalo na kapag naka-bloom! Para ka na ring nasa sunflower field abroad, pero dito lang sa Bicol.
Amenities at Souvenirs
Worry no more, dahil kumpleto ang amenities dito. May mga picnic areas kung saan pwede kang mag-bonding with family or friends. May restrooms din, at siyempre, may snack bar kung saan pwede kang mag-merienda after ng mahabang lakaran. Don’t forget to drop by sa souvenir shops para bumili ng memorabilia ng trip mo!
Paano Pumunta sa Kawa Kawa Hill?
Madali lang puntahan ang Kawa Kawa Hill. May iba’t ibang options na pwede mong gawin, depende kung saan ka manggagaling:
- Mula sa Ligao City Proper: Sumakay ng tricycle at sabihin sa driver na ihatid ka sa Kawa Kawa Hill sa Tuburan.
- Mula sa Legazpi City: Sumakay ng bus papuntang Naga. Sabihin sa driver na ibaba ka sa Seventh Day Adventist Church sa Tuburan. Mula doon, tricycle na lang papunta sa Kawa Kawa Hill.
Tara Na!
So, ano pang hinihintay mo? Ayain na ang tropa at pamilya para mag-ikot-ikot sa Kawa Kawa Hill Nature Park. Promise, sulit na sulit ang pag-akyat dito.
Visit their official website or Facebook page for more details, updates, and announcements.
Restaurants Near Kawa Kawa Ligao
La Terraza Restaurant
A must-stop café just a few meters before Kawa‑Kawa Hill—perfect for halo‑halo, sisig pansit guisado, and local Bicolano dishes after a hike. 📞 0917 302 0932
Primo’s Restaurant
Casual diner in Ligao City popular with locals for familiar Filipino meals
NORY’S RESTAURANT
Home of Pansit Negra — a unique version of pansit made with squid ink, giving it a rich, savory flavor and striking black color that’s popular among locals and a must-try for visitors
Best Mayon Volcano Viewing Spots in Bicol You Shouldn’t Miss
Marhay na aldaw, mga Magayon! Ang Mayon Volcano ang isa sa ipinagmamalaki ng Bicol dahil…
Ilah Nature Park: Chill Escape with a View of Mayon in Ligao
Marhay na aldaw mga biyahero! Kung hanap niyo ay isang tahimik pero sulit na nature…
The Campsite in Ligao: Chill Overnight Camping in Albay
Marhay na aldaw, mga biyahero! Kung hanap niyo ay tahimik na lugar para mag-relax, mag-unwind,…
Pingback: The Campsite in Ligao: Chill Overnight Camping in Albay - Bicol Travel Guides