Marhay na aldaw mga biyahero! Kung hanap niyo ay isang tahimik pero sulit na nature spot sa Albay na may overlooking view ng Mayon Volcano at Mt. Masaraga—tara na sa Ilah Nature Park sa Ligao!
Swak na swak ito para sa mga gustong mag-relax, mag-camping, o mag-photo shoot. Hindi man ito commercialized, ang ganda at simplicity ng lugar ang panalo. Bonus pa ang fresh air at ang rewarding view sa dulo ng hike.
Ano ang Ilah Nature Park?

Ang Ilah Nature Park ay isang hidden gem na matatagpuan sa Sitio Sabloyon, Brgy. Amtic, Ligao City. Isa itong eco-friendly spot kung saan puwedeng mag-day tour, overnight camping, o simpleng nature escape kasama ang tropa o pamilya.
Ang highlight ng lugar? Ang panoramic view ng perfect cone Mayon Volcano facing Mt. Masaraga—Instagram-worthy at very relaxing! Tahimik, presko, at parang may sariling mundo na malayo sa ingay ng siyudad.
May entrance fee lang na ₱40 para sa adults, ₱10 sa kids (day tour), at ₱75 kung mag-overnight ka. Puwede kang magdala ng sariling tent or mag-rent ng tent for ₱450. May available din na kubo for rent (₱600).
Heads-up lang ha: Medyo matarik ang paakyat. Around 15 minutes na trek, so medyo hihingalin ka lalo na kung di sanay sa lakaran—but super worth it ang view sa taas!

Mga Pwedeng Gawin sa Ilah Nature Park
Dahil mataas ang elevation, sobrang ganda ng view ng paligid—lalo na ng Mt. Mayon at Mt. Masaraga.
Ideal ‘to for your next photoshoot, pre-nup, o pang IG feed.
May open spaces para sa mga picnic. Magdala lang ng sariling food and drinks para chill lang habang nagre-relax sa nature.
Puwede ka mag-pitch ng sarili mong tent (₱75 overnight entrance), or mag-rent ng tent (₱450) o kubo (₱600) kung gusto mo ng mas comfortable. Nighttime is peaceful and perfect for stargazing.
Paano Pumunta sa Ilah Nature Park?
Madali lang puntahan ang Ilah Nature Park kung alam mo ang tamang ruta—konting lakad, konting adventure, pero siguradong sulit!
From Legazpi City:
- Sakay ng van or jeep papuntang Ligao City (₱50–₱70, 45 mins)
- Mula Ligao Terminal, sakay ng tricycle papuntang Sitio Sabloyon, Brgy. Amtic (₱70–₱100 one-way)
- Sabihin lang kay Manong driver na papunta kayo sa Ilah Nature Park
From Ligao City Proper:
- Tricycle ride lang mula city proper to Brgy. Amtic (₱70 one-way)
- Tanungin ang locals kung saan ang trail paakyat sa Ilah
From Tabaco:
- Sakay ng jeep or van papuntang Ligao (₱60–₱70)
- Follow same route from Ligao Terminal
Reminder: Wala pang public transport direkta sa trailhead, kaya mas convenient kung may sariling motor or car.
For questions or reservation, tawagan ang Ilah Nature Park sa 0936 936 9530.
Note: Fare price and entrance fees are subject for change.

Tara Na!
Kung gusto mo ng simple pero rewarding nature escape, Ilah Nature Park is one of the best low-key tourist spots in Bicol! Hindi lang siya Instagram-worthy, pero perfect din for relaxation, soul-searching, o bonding with loved ones.
Tara na, explore natin ang ganda ng Ligao at nature view ng Mayon mula sa Ilah Nature Park!
Special thanks to Ligaoeñong Lagalag for letting us use their amazing photos!
Paskuhan sa Albay 2025: Guide to Christmas Events and Activities in Albay
Christmas hits different in Albay. As soon as December arrives, the whole province lights up…
RutaNatin.ph: The Community-Powered App That Can Change How Bicolanos Travel
If you’ve ever commuted in Bicol, you know the struggle: asking multiple drivers for directions,…
Best Beaches in Albay — Hidden Gems and Coastal Escapes You Should Visit
Kung akala mo Albay ay puro Mayon Volcano lang, think again. Dahil bukod sa iconic…
Quituinan Ranch: A Nature Escape for Campers and Families in Camalig, Albay
Pahinga, sariwang hangin, at bonding spot na malapit lang sa Mayon, Quituinan Ranch sa Brgy….
National Museum Bicol: A Journey Through Albay’s Rich Past
History, culture, at old-world charm, may hidden gem sa Albay na siguradong magugustuhan mo —…
La Fontana Beach Resort: A Hidden Summer Escape in Ligao City, Albay
Tahimik pero sulit na beach getaway malapit lang sa city, La Fontana Beach Resort sa…


Pingback: Best Mayon Volcano Viewing Spots in Bicol You Shouldn’t Miss - Bicol Travel Guides