Nagbabalak ka rin bang pumunta sa Bicol at mag-explore? Madaming tourist spots sa Albay na pwede mong puntahan at di mo dapat palagpasin!

Cagsawa Ruins
Isa sa mga tourists spots sa Albay na di dapat palampasin ay ang Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay.
Malapit lang ito sa Legazpi City, mga 10 kilometers lang ang layo kaya very accessible!
Ang Cagsawa Ruins ay remnants ng isang 16th-century church na na-destroy ng Mayon eruption noong 1814.
Sobrang iconic spot ito at isa sa mga pinakasikat na landmark sa Albay, perfect para sa photo ops with the stunning Mayon Volcano as your backdrop.
Madaling puntahan ang Cagsawa Ruins gamit ang jeep o tricycle.
Maraming local drivers ang familiar dito kaya hindi ka mahihirapan maghanap ng masasakyan.
Farm Plate: The Happiest Place in Bicol
Kung naghahanap ka naman ng ultimate farm experience na puno ng saya at relaxation, bisitahin mo ang Farm Plate sa Gabawan, Daraga, Albay.
Kilala bilang “The Happiest Place in Bicol,” ang Farm Plate ay isang destination na perfect para sa buong pamilya.
Para sa entrance fee, Php 60 lang para sa mga bata (below 12 years old) at Php 85 para sa mga adults.
Sa Farm Plate, mararanasan mo ang full farm access, free use ng picnic mats, playground, bonfire tuwing 6pm to 7pm, at kite flying.
Super relaxing ang lugar, at siguradong magugustuhan ng mga bata ang lawak ng playground.

Mayon Skyline
Kung gusto mong makita ang ultimate beauty ng Albay mula sa taas, Mayon Skyline ang perfect destination para sa’yo!
Nasa Barangay Tabiguian, Tabaco City ito, mga 40 kilometers mula sa Legazpi City.
Oo, medyo may kalayuan ang biyahe, pero sobrang worth it ang view ng majestic Mayon Volcano!
Mula sa Legazpi, aabutin ng 45 minutes to 1 hour ang drive papuntang Tabaco.
From there, pwede kang mag-commute papunta sa Mayon Skyline.
Pwede ka ring mag-hike para mas ma-enjoy mo ang view at experience.
Kung ayaw mo naman maglakad, no worries! Pwede rin mag-drive papunta sa itaas ng Skyline para walang hassle!

Vera Falls
Galing sa Mayon Skyline, pwede rin kayong dumiretso sa pinagmamalaking falls ng Malinao, Albay—ang Vera Falls.
Ito ay isang hidden gem na pinalilibutan ng mga puno at may malinaw at fresh na tubig na perfect para sa swimming.
Noong huling punta ko doon, meron na silang mga cottages at maliit na maintenance fee.
Medyo kailangan din mag-hike papunta rito, mga 30-minute trek, pero sulit naman ang pagod dahil sobrang refreshing ng tubig.
Mas okay din kung maaga kayong pupunta para konti pa lang ang tao at may mapwestuhan kayo.
Ang Vera Falls ay isang perfect spot para sa mga nature lovers at adventure seekers.

Kawa-Kawa Hill and Natural Park
Isa pa sa mga dinarayong tourist spots Albay ay ang Kawa-Kawa Hill sa Ligao City. Ito ay 25 kilometers mula Legazpi.
Unique ang lugar na ‘to kasi parang kawa o giant wok ang shape ng hill, na may taas na 400 meters.
Perfect spot para sa meditation at relaxation.
Madali lang puntahan, pwede kang mag-jeep or mag-commute mula sa legazpi.
May mga walking trails din dito kung gusto mong maglakad-lakad at mag-explore.
Ang Kawa-Kawa Hill Nature Park ay kilala rin sa kanyang stunning panoramic views ng surrounding area, kabilang ang Mayon Volcano, lush greenery, at nearby towns.
Isa sa mga highlights ng park ay ang Stations of the Cross, isang serye ng larger-than-life sculptures na naglalarawan ng crucifixion ni Jesus Christ.
Meron din itong mga amenities katulad ng picnic areas, restrooms, snack bar, at souvenir shops para sa mga nais mag-uwi ng memorabilia.

Sumlang Lake
Mula sa 3rd district ng Albay, pumunta naman tayo sa 2nd district kung saan matatagpuan ang Sumlang Lake sa Camalig, Albay.
Kilala rin ito bilang isa sa mga pinakamagandang lugar para masilayan ang “perfect cone” na Mayon Volcano.
Mga 12 kilometers lang ito mula Legazpi City. Pwede kang mag-balsa (bamboo raft) o mag-kayak habang nag-eenjoy sa tanawin.
May mga floating cottages din dito kung gusto mong mag-chill at kumain kasama ang pamilya o mga kaibigan.
Bukas ito araw-araw mula 8 AM hanggang 8 PM.
Madaling puntahan by car o public transport, at bukod sa balsa rides at kayaking, may mga cultural demonstrations at aqua biking activities din dito.

Solong Eco Park
After niyo sa Sumlang Lake, pasyalan niyo na rin ang Solong Eco Park. Located in Barangay Solong, Camalig, Albay, mga 15 kilometers mula Legazpi City.
Solong Eco Park is perfect for nature lovers!
May mga picnic areas, hanging bridge, at mini-zoo dito. Pwede ka ring mag-trek sa mga trails papunta sa iba’t-ibang parts ng park. Accessible ito by jeep or private vehicle.
Bukod pa diyan, may 6.5 hectares ito at may hilltop trek, crystal cave exploration, at agri-tourism activities tulad ng fruit picking at bee farming.
Maraming mga puno at halaman dito, kaya’t mag-eenjoy ka sa nature trip mo.

Quitinday Greenhills
Para sa mga mahilig mag-hike, Quitinday Greenhills sa Camalig, Albay ang perfect spot.
Mga 20 kilometers lang ito mula Legazpi City, at may mga rolling hills na parang chocolate hills ng Bohol.
May mga guided tours dito para mas safe at enjoyable ang hike mo.
Pwede kang mag-commute, pero mas convenient kung may sariling sasakyan ka.
Sa entrance, 70php ang fee per person, at 20php naman ang parking fee.

Hoyop-Hoyopan Cave
Sa Barangay Cotmon, Camalig, Albay naman ang Hoyop-Hoyopan Cave, mga 25 kilometers mula Legazpi City.
Ang cave na ito ay nasa remote area, malayo sa cities and towns ng Albay, kaya’t naging epektibong taguan ito.
Noong World War 2, nagsilbing kanlungan ito para sa mga Pilipinong sundalo at guerilla fighters, kasama ang mga sugatan at sibilyan, habang binobomba ng mga Hapon ang paligid.
Noong Martial Law era, nagsilbing party place ito kaya may concrete dance floor sa loob.
Madaling puntahan ito gamit ang private vehicle o jeep. Pwede kang mag-jeep papuntang Camalig at mag-motorbike o tricycle papunta sa cave.
Ang pangalan ng cave ay nangangahulugang ‘blow-blow’ dahil sa malamig at kakaibang hangin na umiihip dito.
Ang tour dito ay tumatagal ng mga 30 minuto, kung saan makikita mo ang ancient pottery at rock formations na maaring magmukhang Virgin Mary o Devil depende sa pagtingin mo.

Jovellar Underground River
Para sa isang kakaibang adventure, puntahan niyo naman ang Jovellar Underground River sa Jovellar, Albay.
Mga 40 kilometers mula Legazpi City, matutuklasan mo ang underground river na puwedeng i-explore gamit ang bamboo raft.
Kaso, kailangan mo lang maging ready na mabasa dahil may bahagi ng kuweba na kailangan mong lumusong sa tubig.
Dati nang kilala bilang Naglaus Underground River, ang lugar na ito ay kamakailan lang naging popular sa social media at mabilis na naging paboritong destinasyon ng turista.
Ang kuweba ay humigit-kumulang 150 metro ang haba at puno ng mga magagandang stalactites, stalagmites, columns, at iba’t ibang anyo ng bato.
Maglakbay sa underground river gamit ang bamboo raft na magdadala sa iyo sa isang maganda at maliliit na cascades.
Para sa mga ayaw ng masikip na espasyo, may mas madaling trail papunta sa dulo ng kuweba.

Cagraray Eco Park
Para sa mga mahilig sa long rides, magandang destinasyon ang Cagraray Island sa Bacacay, Albay.
Mga 30 kilometers ang layo mula Legazpi City.
Madaming mga activities na pwedeng gawin sa Cagraray Eco Park bukod sa napakaganda nitong tanawin.
Mayroon ditong zipline, hanging bridge, at eco-cottages—perpekto para sa family outings at barkada trips.
Yung daan palang mula Legazpi papuntang Cagraray Island sobrang ganda na!
Kaya kung nasa Albay ka, make sure to visit these spots para ma-experience mo ang ganda at adventure na hatid ng lugar na ‘to!
Best Mayon Volcano Viewing Spots in Bicol You Shouldn’t Miss
Marhay na aldaw, mga Magayon! Ang Mayon Volcano ang isa sa ipinagmamalaki ng Bicol dahil…
Ilah Nature Park: Chill Escape with a View of Mayon in Ligao
Marhay na aldaw mga biyahero! Kung hanap niyo ay isang tahimik pero sulit na nature…
The Campsite in Ligao: Chill Overnight Camping in Albay
Marhay na aldaw, mga biyahero! Kung hanap niyo ay tahimik na lugar para mag-relax, mag-unwind,…
Kawa Kawa Hill Nature Park: A Tourist Spot in Ligao, Albay
Photo credits to Jubert Cate Kung naghahanap kayo ng magandang lugar na mapupuntahan sa Bicol,…
Top Must-Visit Tourist Spots in Albay
Nagbabalak ka rin bang pumunta sa Bicol at mag-explore? Madaming tourist spots sa Albay na…