Where to Go in Sorsogon: Popular Tourist Spots & Local Tips

Sorsogon

Kung usapang natural na ganda at kakaibang adventure, Sorsogon ang hindi mo dapat palampasin!

Mula sa mga postcard-perfect beaches, mala-paraisong isla, hanggang sa mga unique experiences gaya ng paglangoy kasama ang mga butanding—Sorsogon has it all!

Hindi lang ito basta probinsya, kundi isang must-visit destination na magbibigay sa’yo ng once-in-a-lifetime na travel experience.

Kaya kung gusto mong matuklasan ang tunay na ganda ng Bicol, ito na ang guide para sa’yo.

Tara na at i-explore ang mga top tourist spots sa Sorsogon na tiyak na magpapa-wow sa’yo!

16k Blue Roses Park

Unang stop natin ay ang 16k Blue Roses Park sa Casiguran. Para sa mala-fairytale na vibe, dito makikita ang 16,000 LED-lit blue roses na nag-iilaw mula 7 PM hanggang 9 PM tuwing Biyernes at Sabado. May entrance fee na Php 20.00 lang—super sulit para sa ganda ng view!

Bulusan Lake and Volcano

Next stop ay ang Bulusan Lake and Vocano Park! Isa ito sa mga dinarayo ng mga turista dahil sa napagandang view ng Bulusan lake at volcano. Pwede ka ditong mag-relax, mag-picnic o mag-kayak. Para sa mga adventure-seeker, subukan ang 1.8km walking trail around the lake!

Bulusan Lake in Sorsogon

Calintaan Cave

Isa pa sa mga hidden gems ng Sorsogon ay ang Calintaan Cave. Kinakailangang sumakay ng bangka para makarating dito, at usually, kasama ito sa mga island hopping tours. Sa loob, makikita mo ang napakalinaw na tubig, malalaking bato, at pinkish na buhangin—parang isang isla sa loob ng kweba!

Donsol Whale Shark Interaction Site

Kung bet mo naman ang mag snorkeling at dive kasama ang mga whale shark, meron niyan sa Donsol Sorsogon. Ang peak season ay mula February hanggang April, kaya siguraduhing i-schedule ang visit mo!

Photo credits to: wwf.org.ph

Naglahaw Falls

Pumunta naman tayo sa Irosin kung saan matatagpuan ang isa sa mga napakagandang falls sa Sorsogon, ang Naglahaw Falls na may taas na 7 meters. Ideal ito sa mga nature-lover at gusto ng adventure dahil mula sa parking area ay kailangan mag trek ng around 30 minutes.

Photo credits to: Irosin Tourism Official FB page

Paguriran Beach and Lagoon

Kung gusto mo naman ng Instagram-worthy shots, bisitahin ang Paguriran Island sa Barangay Sawanga. May lagoon sa gitna ng isla at napakalinaw ng tubig! Ideal ito para sa snorkeling at swimming, lalo na kapag low tide at puwedeng lakarin ang island from the main beach.

Pepita Park

Sa Bucalbucalan, matatagpuan ang Pepita Park. Isa sa mga road trip stops kapag galing ng Legazpi. Tanaw dito ang ganda ng Sorsogon bay at ang Mt. Bulusan. Along the road lang, kaya super accessible!

Subic Beach Matnog

Also known as Pink Beach dahil sa pinkish na buhangin, ang Subic Beach sa Calintaan Island ay isa sa mga must-visit spots sa Sorsogon. May boat rentals papunta rito, at puwede ring mag-snorkeling at camping sa isla.

Photo credits to Alvie G. Belesta

Barcelona Sorsogon Ruins and tourist spot

Barcelona Ruins and Church

Huwag din kalimutan mag stop dito sa sikat na spot sa Barcelona kung saan matatagpuan ang Barcelona Ruins at kaharap nito ay ang Barcelona Church.

Lola Sayong Beach Resort

Kung ang hanap mo naman ay beach resort in Sorsogon na may pinong white sand, try Lola Sayong Eco Surf Camp. Napakaganda ng vibes at perfect sa mga gustong mag surfing. The best din dito ang sunrise!

Sorsogon is packed with breathtaking spots and exciting activities! Kaya ano pang hinihitay mo? Tara na sa Sorsogon!

Dalhin ang iyong camera at travel essentials, at simulan na ang adventure mo sa mga magagandang lugar na to sa Sorsogon!

Local Tips When Visiting Sorsogon

Bago ka pumunta ng Sorsogon, it’s best to make a solid plan and itinerary para mas masulit mo ang ganda ng lugar. Here are some tips that will help you enjoy the best out of Sorsogon.

Book your Accommodation in Advance

If you will be staying in Sorsogon for a couple of days, it’s best to book your hotel or homestay in advance lalo na kung peak season or weekends. Check reviews din online about the place you plan to stay.

Book a Tour or Rent a Car/Motorcycle

Napakalawak ng Sorsogon at yung mga tourist spots ay magkakalayo, kaya mas better kung mag book kayo ng tour na may service inclusion o kaya mag rent ng car o motor para mas madali ang pagpunta niyo from one spot to another.

Stay for More than a Day

Sa sobrang daming magagandang puntahan sa Sorsogon, hindi sapat ang isang araw para masulit mo ang ganda ng lugar. Usually, perfect yung 2 or 3 days na stay para mapuntahan ang mga sikat na tourist spots sa Sorsogon.

Ask Us Questions

We love helping you, so don’t hesitate to ask us questions about traveling to Sorsogon or any parts of Bicol. We’ll try our best to answer them. You can follow us on TikTok or FB page, mas active kami doon but you can also leave a comment here. You can also join our FB group.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *