Marhay na aldaw, mga ka-biyahe!
Kung akala mo ang Sorsogon ay tungkol lang sa whale shark watching sa Donsol o sa sikat na pink sand ng Matnog, naku, marami ka pang hindi nadidiskubre.
Ang Sorsogon ay kilala sa Bicol na biniyayaan ng napakahabang coastline, kaya halos bawat bayan ay may sariling beach na puwedeng puntahan. Mula sa mga surf spots ng Gubat hanggang sa white sand islands ng Matnog, may beach dito para sa bawat klase ng traveler.
Ang maganda pa rito, iba-iba ang karakter ng bawat lugar. May beaches na bagay sa surfers, may tahimik na baybayin para sa pamilya, may mga island getaway na parang nasa ibang bansa, at mayroon ding mga tagong paraiso na hindi pa gaanong dinadayo ng tourists.
Kung plano mong mag-road trip sa Bicol o naghahanap ka ng summer destination, ito ang mga beach na hindi dapat mawala sa itinerary mo.
🏖️ What are the best beaches in Sorsogon?
Some of the best beaches in Sorsogon include Subic Beach (Matnog), Buenavista Surf Camp (Gubat), Beata Beach (Sta. Magdalena), Dancalan Beach (Bulusan), Consan’s Beachfront (Prieto Diaz), Lebanon Beach (Prieto Diaz), and Paguriran Island and Lagoon (Sorsogon City). Each destination offers a unique experience—from surfing and island hopping to peaceful beach escapes and family-friendly outings.
Gubat, Sorsogon: The Surfing Capital of Bicol
Kapag sinabi mong Gubat, surfing agad ang unang pumapasok sa isip ng maraming travelers. Pero kahit hindi ka surfer, magugustuhan mo ang chill atmosphere, mahabang shoreline, at laid-back beach life. Kung gusto mong maranasan ang tunay na surfing culture ng Bicol, dito magandang magsimula.

Buenavista Surf Camp
Kilala ito sa pinakasikat na surfing destinations sa Bicol. Consistent ang alon dito halos buong taon kaya parehong beginners at experienced surfers ay nag-e-enjoy.
Bukod sa surfing, maganda rin ang sunrise dito. Maraming travelers ang nag-o-overnight para magising sa tunog ng alon at malamig na simoy ng hangin.
Trending din ang Buenavista Surf Camp ngayon dahil ginawang mas accessible ang dagat sa publiko. Nilagyan ng parang boulevard at tinayuan ng mga food stalls na mas nagbigay ng liveliness sa lugar.
Lola Sayong Eco-Surf Camp
Kung gusto mong maranasan ang mas local na surf culture ng Gubat, huwag mong palampasin ang Lola Sayong Eco-Surf Camp.
Simple lang ang ambiance pero iyon mismo ang charm nito. Kahit hindi ka mag-surf, puwede kang mag-relax sa beachfront, magkape, o panoorin ang mga surfers habang sumasabay sa alon.
Maganda ito kung gusto mo ng mas tahimik at chill vibes na beach. Bawal dito mag dala ng maingay na speaker o kaya naman ang videoke. Kaya perfect talaga kung mas gusto mong pakinggan ang ugong ng dagat.


Rizal Beach
Kung family outing naman ang hanap mo, magandang option ang Rizal Beach. Mas kalmado ang dagat kumpara sa mga surf areas kaya bagay ito sa swimming, picnic, at beach walks.
Isa rin ito sa mga paboritong tambayan ng mga taga-Gubat tuwing weekend.
Where to Stay in Gubat
Kung balak mong mag-overnight, narito ang ilan sa mga kilalang beachfront accommodations:
- Siama Surf – Isang modern tropical resort na kilala sa magandang design, masarap na pagkain, at relaxing atmosphere.
- The Escape – Tahimik na beachfront accommodation na perfect para sa couples at small groups.
Essentials When Visiting Sorsogon Beaches
Planning a beach trip around Sorsogon? From swimming and island hopping to relaxing by the shore, having the right beach essentials can make your trip more comfortable and hassle-free. Here are some useful items worth packing for your next Sorsogon beach adventure.

Waterproof Dry Bag
Keep your clothes, gadgets and other valuables protected from water while swimming, island hopping or exploring the coast.

Waterproof Phone Pouch
Protect your phone from splashes and water while taking photos and enjoying your time in the water.

Sunscreen
A beach-day essential to help protect your skin from UV exposure, especially during long days outdoors.

Aqua Shoes
Handy for rocky shores, slippery areas and water activities where you want extra protection and grip for your feet.

Women’s Rash Guard
A practical layer for beach days, swimming and other outdoor activities while helping provide extra coverage from the sun.

Men’s Rash Guard
Great for swimming, island hopping and beach adventures when you want comfortable coverage while enjoying the water.

Quick-Dry Towel
A lightweight and convenient towel that dries quickly, making it ideal for beach trips and travel.
Disclosure: Some links on this page are affiliate links. We may earn a small commission if you purchase through our links, at no additional cost to you.
Matnog, Sorsogon: Home of the Famous Pink Sand Beach
Kapag sinabi mong Matnog, ang unang naiisip ng karamihan ay ang island hopping. Napapalibutan ang bayan ng maliliit na isla na may crystal-clear waters at ilan sa pinakamagagandang white sand beaches sa Bicol.

Subic Beach
Syempre, unang-una sa listahan ang Subic Beach sa Matnog. Isa ito sa famous beach in Sorsogon. Kilala ang Subic Beach sa puting buhangin na may natural na pinkish tint mula sa dinurog na pulang coral. Kapag tirik ang araw, lalo nitong lumalabas ang kulay ng buhangin at ang mala-turquoise na dagat.
Kaso lang, hindi ito direktang mapupuntahan sa pamamagitan ng sasakyan. Kailangan mong sumakay ng bangka mula sa Matnog Port bilang bahagi ng island-hopping tour.
Sta. Magdalena: Quiet Beaches Away from the Crowds
Kung gusto mo namang umiwas sa mataong beach destinations sa Sorsogon, magandang option ang Sta. Magdalena. Tahimik ang baybayin dito at bagay sa travelers na gusto ng slow-paced at relaxing na beach trip.

Beata Beach Resort
Isa ang Beata Beach sa mga pinakasikat na beach sa Sta. Magdalena. Mahaba ang shoreline nito at tahimik ang paligid, kaya perfect ito kung gusto mo lang mag-relax, mag-swimming, o manood ng sunrise.
May beach houses din sila para sa mga gustong mag overnight.
Where to Stay in Sta. Magdalena
Kung gusto mong mag-overnight sa area, madaming magandang option na perfect kapag gustong mag stay ng mas matagal sa Sta. Magdalena.
- Casita Beach Resort
- G-Seascape Resort
- Star Beach Resort
- Recidencia Del Hamor Beachfront
Bulusan: Beaches with a View
Habang kilala ang Bulusan dahil sa Bulusan Volcano Natural Park at Bulusan Lake, mayroon din itong mga beach na magandang idagdag sa itinerary. Isa itong magandang destinasyon kung gusto mong pagsamahin ang nature adventure at relaxing beach getaway sa isang biyahe.

Dancalan Beach
Isa ang Dancalan Beach sa mga pinakamagandang beach sa southern Sorsogon. Malinis ang shoreline, presko ang hangin, at hindi kasing dami ng tao kumpara sa ibang beach destinations.
Where to Stay in Bulusan
Kung gusto mong mag-overnight, puwede kang mag-book sa Beach Oasis, isang beachfront accommodation sa Dancalan. Magandang base ito kung balak mong i-explore hindi lang ang beach kundi pati na rin ang iba pang tourist attractions sa Bulusan.
Prieto Diaz: Hidden Coastal Gems
Ang Prieto Diaz naman ang isa sa mga underrated municipalities ng Sorsogon. Kung gusto mo ng mas low-key na beach trip, may mga tahimik na beach at beachfront destinations dito na sulit isama sa iyong itinerary
Consan’s Beach Resort
Consan’s Beachfront
Kung naghahanap ka ng relaxing beachfront getaway, magandang bisitahin ang Consan’s Beachfront sa Barangay San Ramon. Isa itong private beachfront destination na may cottages, accommodations, at open spaces na perfect para sa family outings, barkada trips, at overnight stays.
Lebanon Beach
Isa sa mga hidden gems ng Prieto Diaz ang Lebanon Beach. Kilala ito sa malinis na shoreline, malinaw na tubig, at tahimik na paligid na bagay para sa mga gustong umiwas sa mataong tourist spots.
Sorsogon City (Bacon District)

Sa Sorsogon City naman, bandang Bacon, makikita ang Paguriran Island and Lagoon. Isa itong unique na beach na may lagoon sa gitna. Kapag low tide, puwede kang maglakad mula sa mainland papunta sa isla, kaya isa ito sa mga paboritong puntahan ng mga first-time visitors.
