Kung hanap mo ay refreshing nature trip at tahimik na taguan mula sa ingay ng siyudad, halika na sa Ka-Bala River ‘Libtong’ sa Soa Malinao Albay! Isa itong underrated spot sa loob ng gubat, may malamig na tubig, napapalibutan ng mga puno at may relaxing vibes. Pwedeng-pwede para sa tropa o buong pamilya na gustong magpalamig at mag-relax sa simpleng paraiso ng Bicol.
Ka-Bala River: Tagong Paraiso sa Gubat
Matatagpuan sa P-7 Soa, Malinao (pero mas kilala ng locals sa route ng Sua-Igot Tabaco City), ang Ka-Bala River ‘Libtong’ ay isa sa mga hindi pa masyadong kilalang Bicol tourist spots—pero panalong discovery para sa mga nature lovers!
Bago ka makarating, dadaan ka muna sa isang tulay na gawa sa kahoy ng niyog—partida, adventure na agad ‘yan! Mula sa dulo ng kalsada, maglalakad ka nang mga 15 minutes paakyat, pero sulit lahat ‘yan pag narating mo na ang river resort.
Pagdating mo sa mismong area, bubungad sa’yo ang preskong hangin, tunog ng umaagos na tubig, at natural na kagandahan ng rainforest. Pwede kang magpicnic, mag-camping, o basta magpahinga lang habang nakikinig sa huni ng mga ibon at agos ng tubig.
Entrance Fee and Cottage Price
- Entrance Fee: ₱20
- Cottage Rental: ₱150
- Tent Pitching (Overnight): ₱250
Mga Pwedeng Gawin sa Ka-Bala River ‘Libtong’
Yung lakad paakyat? Hindi hassle, promise! Parang mini adventure trail sa gitna ng mga puno, sobrang chill at instagrammable pa.
For only ₱250, pwede ka nang mag-pitch ng tent at mag-overnight sa gitna ng kalikasan. Malamig ang hangin sa gabi—tamang-tama pang bonding moments sa tropa.
May mga available na cottages for ₱150. Perfect para sa mga ayaw masyadong maarawan o gusto lang tumambay habang kumakain ng baon.
Of course, hindi kumpleto ang trip kung di ka lulusong sa tubig! Malamig at malinis ang agos—panalo pang pangtanggal stress.

Paano Pumunta sa Ka-Bala River
Kung galing ka sa Tabaco Proper or Legazpi, ang daan ay papuntang Oras, Tabaco. Landmark mo ang Monte Julio, Batalla Spring Resort, at MPV Camp. Lampasan mo lang ‘yan—nasa pinakadulo ang Ka-Bala River.
May daan para sa motor at sasakyan, pero tandaan: hanggang sa dulo lang ng daan, kasi mula roon, may 15-minutong lakad ka pa pero worth it naman ang effort!
Commute Tip:
Kung walang private vehicle, pwede kang sumakay ng tricycle o habal-habal mula sa Tabaco City papuntang Oras. Tanungin lang ang locals kung saan ang daan papuntang Ka-Bala River. Friendly sila at willing tumulong.
Wala masyadong commercial establishments sa paligid, so dala ka ng sariling food, drinks, at camping essentials.
Tara Na!
Kung gusto mong makahanap ng bago, tahimik, at relaxing na camping site in Tabaco area, Ka-Bala River ‘Libtong’ is the place to be. Presko, tahimik, mura, at nature-packed—parang hidden Bicol treasure na kailangan mo talagang puntahan.
Kaya kung may tropa kang gusto ng simpleng adventure o family trip na low-key pero sulit—i-save mo na ‘to! Tara na sa Ka-Bala River.
📸Image credits to Pitik ni Pako
Pitik ni Pako – Your Local Bicolano Photographer
Looking for a local photographer in Bicol? Hire Pitik ni Pako! Isa siyang local photographer na bihasa sa candid at creative shots—perfect to capture your travels, arrange birthday shoots and more. Suportahan natin ang local talents!
Contact: 0992 734 4434 FB Page: Pitik ni Pako
Paskuhan sa Albay 2025: Guide to Christmas Events and Activities in Albay
Christmas hits different in Albay. As soon as December arrives, the whole province lights up…
RutaNatin.ph: The Community-Powered App That Can Change How Bicolanos Travel
If you’ve ever commuted in Bicol, you know the struggle: asking multiple drivers for directions,…
Best Beaches in Albay — Hidden Gems and Coastal Escapes You Should Visit
Kung akala mo Albay ay puro Mayon Volcano lang, think again. Dahil bukod sa iconic…
Quituinan Ranch: A Nature Escape for Campers and Families in Camalig, Albay
Pahinga, sariwang hangin, at bonding spot na malapit lang sa Mayon, Quituinan Ranch sa Brgy….
National Museum Bicol: A Journey Through Albay’s Rich Past
History, culture, at old-world charm, may hidden gem sa Albay na siguradong magugustuhan mo —…
La Fontana Beach Resort: A Hidden Summer Escape in Ligao City, Albay
Tahimik pero sulit na beach getaway malapit lang sa city, La Fontana Beach Resort sa…

