The Campsite in Ligao: Chill Overnight Camping in Albay

Marhay na aldaw, mga biyahero!

Kung hanap niyo ay tahimik na lugar para mag-relax, mag-unwind, o mag-bonding kasama ang tropa o pamilya, tara na sa The Campsite sa Ligao, Albay! Isa ‘to sa mga bagong tambayan na chill at nature-filled, perfect sa weekend getaways kung gusto mo ng konting escape mula sa city life.

Ano ang The Campsite?

Ang The Campsite ay isang eco-friendly nature park na matatagpuan sa Barangay Amtic, Ligao City, Albay. Bukod sa overlooking view ng Mt. Masaraga at cool na hangin, swak na swak ito para sa mga nature lovers. Ang lugar ay simple pero charming, puno ng greenery, may mga swings, hammocks, kubo-style cottages, at cooking area pa!

Trivia: Malapit lang ito sa iba pang spots gaya ng Hobbit Hill at Paayahayan sa Bulod, kaya puwede mo sila i-one day itinerary!

Mga Pwedeng Gawin sa The Campsite

Photo credits to Darren Belenzo

Mag-Chill at Magpahinga

Dito sa The Campsite, walang pressure. Puwede kang mag-early morning coffee habang nakatanaw sa Mt. Masaraga o Mayon o mag-swing habang nagmi-muni-muni. Sobrang peaceful ng vibes!

Mag-Camping at Foodtrip

Puwedeng  magdala ng sariling tent at mag-camping under the stars. Tent pitching is 

Picture-Taking for the ‘Gram

Every corner ay photo-worthy. From swings na nasa gitna ng taniman, sa mga kubo at view decks—panalo sa feed mo ‘to! May mga locals pa na nag-o-offer ng photo ops on the spot.

Try Local Snacks

Minsan may mga stalls na nagbebenta ng local delicacies. You can try their kakanin, fresh buko juice, or lutong bahay. Support local na, busog pa.

Paano Pumunta sa The Campsite?

Kung plano mo nang mag-escape sa nature at chill spot na ‘to, madali lang ang biyahe papunta!

From Legazpi City:

Sakay ng van or bus papuntang Ligao City (₱50–₱70, around 45 minutes). Pagdating sa Ligao Terminal, sakay ka ng tricycle papunta sa Brgy. Amtic (₱50–₱70 per trip). May signage papunta sa The Campsite kaya madali itong hanapin.

From Ligao City Proper:

Tricycle ride lang ang kailangan (₱50–₱70 one way). Sabihin lang kay manong driver na papunta kayo sa The Campsite sa Amtic, alam na nila ‘yan.

From Tabaco City:

Sakay ng jeep or van to Ligao (₱50–₱70), tapos sundan ang same route mula Ligao Terminal. Total travel time mga 1.5 hours depending sa traffic.

Note: Wala pa masyadong public transpo diretso sa site, kaya mas convenient kung may sariling motor o sasakyan.

Tara Na!

Kung gusto mo ng lugar na tahimik, presko, at puno ng nature vibes, The Campsite in Ligao is a must-visit! Perfect for barkada road trips, family bonding, o solo soul-searching. Hindi mo kailangan gumastos ng malaki para mag-relax at mag-enjoy—dito pa lang sa Albay, panalo na.

Kaya tara na sa The Campsite—isa sa mga underrated pero sulit na tourist spots in Bicol!

Malapit rin ito sa Kawa-Kawa Hill, isa pang magandang pasyalan sa Ligao na perfect for sightseeing at reflection walk.

Special thanks to Darren Belenzo for letting us use his amazing photos!

Restaurants Near The Campsite Ligao

La Terraza Restaurant

Taste authentic Bicolano comfort food (halo-halo, sisig, pansit). It’s ~6 km from The Campsite (~15 minutes by car)

Kuyang’s Food and Bar Restaurant

Their specialty is Filipino dishes—lomi, buttered chicken, pansit negra. It’s ~6.5 km (~15–18 minutes by car)

1 thought on “The Campsite in Ligao: Chill Overnight Camping in Albay”

  1. Pingback: Ilah Nature Park: Chill Escape with a View of Mayon in Ligao - Bicol Travel Guides

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *