Paayahayan sa Bulod in Ligao: Scenic Mountain Getaway

Paayahayan sa Bulod Mayon View

Marhay na aldaw, mga ka-byahe Kung hanap mo ay lugar na tahimik, presko ang hangin, at may nakaka-relax na mountain view—tara na sa Paayahayan sa Bulod sa Ligao, Albay! Perfect ‘to para sa solo travelers, barkada bonding, o chill family getaway. Isa ‘to sa mga bagong pasilip na Ligao tourist spots na worth i-explore ngayong weekend.

Saan nga ba Matatagpuan ang Paayahayan?

Matatagpuan ang Paayahayan sa Brgy. Amtic, Ligao City. Isa itong tahimik at underrated na place in Ligao na nasa taas ng Sabluyon Road. Medyo tago pa siya ngayon, kaya kung trip mo ang mga less crowded na nature spots, swak ito para sa’yo. May malawak na tanawin ng bundok at kabukiran, at panalo ang simoy ng hangin—parang Baguio vibes sa Bicol!

May mga kubo na puwedeng upahan for day trip o overnight, at may open area rin kung gusto mo magdala ng sariling tent. Simple, tahimik, pero Instagram-worthy, lalo na ‘pag golden hour.

Mga Pwedeng Gawin sa Paayahayan sa Bulod

Perfect ang lugar kung gusto mo lang tumambay at magpahinga, preskong hangin at nature sounds ang sasalubong sa’yo. Walang ingay, walang stress. Just peace and good vibes.

Camping with a view (literal!)

Isa ito sa mga top-rated camping site in Ligao. Pwede kang magdala ng sariling tent o mag-rent ng kubo. Panalo ang sunrise at malamig ang simoy ng hangin sa gabi.

Picnic with the tropa or pamilya

Magdala ng food at drinks, and enjoy a chill picnic surrounded by green mountains. May ilang kubo at mesa na pwedeng gamitin.

Paano Pumunta sa Paayahayan sa Bulod?

Bago bumiyahe, i-ready na ang Google Maps at konting adventure spirit dahil medyo tago ang lugar—but that’s what makes it worth it! Once you reach the area, sulit ang pagod dahil bubungad sa’yo ang isa sa mga pinakachill na Ligao tourist spots.

Galing Legazpi City (by Private Vehicle)

  • Take the Pan-Philippine Highway papuntang Ligao City (approx. 30–40 minutes)
  • Sa Ligao Proper, liko sa Sabluyon Road
  • Mga 5 km lang ‘to papasok—watch out for signs papuntang Paayahayan
  • Landmark: Malapit ito sa The Campsite, so pwede mo ring itanong sa locals

Note: Medyo matarik ang daan paakyat, kaya mas okay kung motor o kotse ang gamit.

Commute Option (from SM Legazpi Terminal)

  • Sakay ng van or bus papuntang Ligao City (₱30–₱50)
  • Baba sa Ligao Proper or Brgy. Amtic
  • Sakay ng tricycle or habal-habal papuntang Paayahayan (₱100–₱150, depende sa usapan)

Magkano ang Entrance at Anong Meron sa Loob?

  • Entrance Fee: ₱50–₱70 (subject to change)
  • Kubo Rental: Available for small groups and overnight
  • Tent Pitching: Allowed
  • Parking: May space pero limitado—mas okay kung maaga kang dumating

Tip: Magdala ng sariling pagkain at inumin kasi walang malapit na commercial store sa area.

Mga Dapat Dalhin

  • Comfortable shoes (medyo uphill ang trail)
  • Packed food and drinks
  • Extra clothes kung overnight
  • Tent or blanket kung magka-camp
  • Flashlight or portable lamp
  • Powerbank
  • Camera or phone for photos
  • Trash bag (leave no trace!)

Tara Na sa Paayahayan sa Bulod!

Kung gusto mong makatakas sa ingay ng lungsod at ma-recharge in nature, Paayahayan sa Bulod is the spot to be. Hindi lang siya photogenic—mafe-feel mo rin ang simplicity at charm ng Bicolano mountain life. Pwede kang mag-relax, mag-camp, o simpleng tumambay habang tinititigan ang tanawin.

Tara na sa Paayahayan sa Bulod—isa sa mga underrated tourist spots in Bicol at bagong discovery na camping site in Ligao na siguradong magpapa-smile sa’yo. 

Check out more travel guides sa aming blog, at huwag kalimutang i-follow kami sa social media para sa iba pang things to do in Albay at mga hidden gems sa Bicol Region!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *